Marami sigurong nagtataka at naiintriga sa title ko. Marami talaga? Eh wala ngang nagbabasa nito eh.
Haha. Basta may magbasa man o wala, ito 'yung magsisilbing outlet ko. Practice na rin for my future plans. Nagsimula ang blog na 'to after kong matalo sa first ever RSPC ko... This is the only way na naiisip ko para matignan ko 'yung sarili kong skills, to make myself better. Kung walang magki-criticize sa mga gawa ko, ako mismo ang hahanap ng criticisms ko, by comparing my works to others'.
Kumbaga sa libro, ito 'yung prologue. Ngayon, bakit nga ba ito 'yung title ko?
UNICORN. Madami kasing nagsasabi na kabayo ako. Pero hindi ako mukhang kabayo ha. At lalong hindi ako kumakain ng damo. Pechay at kangkong, oo. Pero talahib or bermuda? NEVER! To make it simple, pumapayag akong tawagin nilang kabayo, pero ayoko 'nung kabayong basta-basta. Gusto ko, 'yung medyo sosyal. Kaya ayun, unicorn. Wapak!
METAMORPHOSIS. Alam ninyo na naman siguro 'yan. This is the process that makes a simple caterpillar a beautiful, colorful, shining, shimmering butterfly! Kaya ayun, gusto kong ipakita sa lahat ng makakabasa nito (kahit mukhang wala naman) na this unicorn started as NOBODY, but at the end of the day, I will become SOMEBODY. Magta-transform ako from a simple horse to a beautiful, colorful, shining, shimmering unicorn! Pero hindi pa ako titigil dun. Kapag unicorn na ako, iii-strive ko na magkapakpak at tuluyang maging isang PEGASUS. Lilipad ako sa sarli kong malawak na imahinasyon.
At ito na, may mambabasa man ako o wala, itutuloy ko 'to para sa sarili ko. Wala akong pakialam dahil hindi ko 'to ginagawa just to be popular at ipagyabang na magaling ako (kahit hindi naman talaga...) dahil ginawa ko 'to para ma-improve ko ang sarili ko!
Want an online job in your home at your own time? Join now and be a freeman! For more details, visit http://www.unemployedpinoys.com/
TumugonBurahin